Let's help Tinkerbell find the lost treasure.

Thursday, August 20, 2009

August 21, 2009 - Tito Ninoy Aquino Day. ;;)

Today is a very beautiful morning. Okiedokie? That was dramatic. Anyhoo, please let me speak in Tagalog in this blog. I want to speak in Tagalog in honor of Buwan ng Wika here in the Philippines. ;)

WARNING! I`ll be very makata on this blog.

Magandang umaga po sa inyong lahat! Ang umaga pong ito sa ngayon ay napakaganda. Kami po ay walang pasok sapagkat aming iniaalay ang araw na ito kay Tito Ninoy. :) Kakasimula pa lamang po ng aking araw kaya ako`y walang maibahagi sa inyong lahat at hindi naman din po maganda kung lagi na lamang po akong magbabahagi ng tungkol sa nangyayari sa akin sa bawat araw, hindi po ba?

Kahapon po ay nagkaroon kami ng ensayo para sa presentasyon namin sa Buwan ng Wika. Napakasaya namin sapagkat kami`y nagkakaisa at talagang iniaalay namin ito sa ngalan ng aming klase. Hindi po muna ako masyadong magbibigay ng mga detalye tungkol sa nangyari kahapon. Nais ko pong palampasin po muna ang presentasyon bago po ako magbahagi, nang sagayon, surpresahin po namin kayo. ;)

Hay. Sadyang napakahirap maging makata sa Tagalog. Lalo na, kung ika`y hindi gaanong nasanay sa ganoong lebel ng wikain. Nagpapasalamat na din po ako at nakakain na ako ng almusal at ako`y nakapag-isip ng maayos. Madaling nakakapasok ang mga malalalim na salitang Tagalog sa aking isipan.

Baka po mayroong matawa-tawa at mapahagikgik sa inyo sa pagbabasa nito sapagkat napakamata ng mga salita. Opo, inaamin ko. Minsan ay napaglalaruan ko ang mga salitang ito sapagkat katawa-tawa ang iba, lalo na kapag ginawang literal sa Tagalog ang mga wika galing sa Ingles. Ngunit, sa ngayon, gawin po natin ang ating makakaya na galangin ang Wikang Filipino at sadyang tangkilikin ito. Ito po ang buwan, kung saan tayo ay inaanyayahang alalahanin ang mga pantas sa Tagalog na literatura`t wika at isama na rin natin ang mga taong tumulong upang bumuti at maging malaya ang mga Pilipino. Isa na nga rito ang pinagdidiwangan natin na si Tito Ninoy na ginawa ang lahat upang mailigtas tayo hanggang sa siya ay bawian ng buhay.

Tito Ninoy, Tita Cory, Dr. Jose Rizal at iba pang mga bayani na hindi lang din dapat inaalala sa buwan na ito, kung hindi para sa buong buhay na natin, MARAMING SALAMAT PO SA INYO! :*

Alam ko po na napaka-mais-y ko sa mga isinabi ko sa itaas. Ito lamang po ay pag-aanyaya ko sa lahat na mahalin at tangkilikin ang Wikang Tagalog! :)


Ano kaya ang masasabi ng aking mga kapamilya, kamag-aral, kaibigan at lahat ng mga taong mahal ko sa aking ginawang ito? Sila kaya`y matatawa o maiiyak? Sila kaya`y matutuwa o mamamaisan? Ikaw. Ikaw nagbabasa. Ano sa tingin mo? Katawa-tawa pa rin ba ang Wikang Filipino sa`yo? Hindi naman masamang matawa. `Wag lamang natin itong bastusin. Ipagpaumanhin niyo po kung hindi ninyo makuha ang aking punto. Sadyang mahirap po talagang mangapa ng mga makatang salita. :D



Maraming, maraming, maraming salamat po sa pagbabasa! Nawa`y tangkilikin niyo po ang bawat "entry" ko dito sa aking "blog". ;;)


Mahal na mahal niya ang Pilipinas,

Ceegy! \:D/